Mga Bilang 28

Maghandog pa kayo sa Panginoon ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Gawin ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa mga handog na inumin.’

Numbers 28:15 (UKJV) And one kid of the goats for a sin offering unto the LORD shall be offered, beside the continual burnt offering, and his drink offering.

13At ang batang lalaking tupa ay sasamahan ng handog na isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang pagpaparangal sa Panginoon. Itoʼy mga handog na sinusunog, ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon.

14Ang bawat toro ay sasamahan ng handog na inumin na dalawang litrong alak. At ang bawat batang tupa ay sasamahan ng mga isang litrong alak. Ito ang buwanang handog na sinusunog na inyong gagawin sa bawat simula ng buwan sa buong taon.

15Maghandog pa kayo sa Panginoon ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan. Gawin ninyo ito bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog at sa mga handog na inumin.’

16“Ipagdiwang ninyo ang Pista ng Paglampas ng Anghel ng Panginoon sa ikalabing-apat na araw ng unang buwan.

17Bukas magsisimula ang pitong araw na pista. At sa loob ng pitong araw, huwag kayong kakain ng tinapay na may pampaalsa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.