Mga Bilang 28

Ang isa ay iaalay sa umaga at ang isa ay sa dapit-hapon,

Numbers 28:4 (UKJV) The one lamb shall you offer in the morning, and the other lamb shall you offer at even;

2“Sabihin mo sa mga Israelita na kailangan silang maghandog sa akin ng mga handog sa pamamagitan ng apoy sa nakatakdang panahon. Ang mga handog na ito ay ang pagkain ko, at ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa akin. Kaya sabihin mo ito sa mga Israelita:

3‘Ito ang mga handog na pagkaing inyong iaalay sa Panginoon araw-araw: dalawang tupa na isang taóng gulang at walang kapintasan bilang handog na sinusunog.

4Ang isa ay iaalay sa umaga at ang isa ay sa dapit-hapon,

5kasama ng handog na pagkaing butil ang isang kilo ng magandang klaseng harina na hinaluan ng isang litrong langis ng olibo.

6Ito ang pang-araw-araw na handog na inyong susunugin na iniutos noon ng Panginoon sa inyo sa Bundok ng Sinai. Ang mabangong samyo ng handog na ito sa pamamagitan ng apoy ay makalulugod sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.