Mga Bilang 29

Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Haluan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

Numbers 29:14 (UKJV) And their food offering shall be of flour mingled with oil, three tenth deals unto every bullock of the thirteen bullocks, two tenth deals to each ram of the two rams,

12“Sa ikalabinlimang araw ng ikapitong buwan, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sumamba sa Panginoon. Magdiwang kayo ng pista para sa Panginoon sa loob ng pitong araw.

13Mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon. Sa unang araw, ito ang inyong ihandog: labintatlong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

14Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon. Haluan ninyo ito ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis – tatlong kilo sa bawat batang toro, dalawang kilo sa bawat lalaking tupa

15at isang kilo sa bawat batang tupa.

16Mag-alay din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.