Mga Bilang 29

Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

Numbers 29:28 (UKJV) And one goat for a sin offering; beside the continual burnt offering, and his food offering, and his drink offering.

26“Sa ikalimang araw, ito ang inyong ihandog: siyam na batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

27Sa paghahandog ninyo nito, samahan nʼyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

28Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

29“Sa ikaanim na araw, ito ang inyong ihandog: walong batang toro, dalawang lalaking tupa at labing-apat na batang tupa na isang taóng gulang. Kailangang walang kapintasan ang lahat ng mga ito.

30Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.