34Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
35“Sa ikawalong araw, huwag kayong magtatrabaho, sa halip magtipon kayo para sa pagsamba sa Panginoon.
36Mag-alay kayo ng handog na sinusunog na ang mabangong samyo nito ay makalulugod sa Panginoon: isang batang toro, isang lalaking tupa at pitong batang tupa na isang taóng gulang. Kailangan na walang kapintasan ang lahat ng mga ito.
37Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.
38Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.