Mga Bilang 29

“Bukod pa sa mga handog para sa pagtupad ng inyong panata at mga handog na kusang-loob, maghandog din kayo sa Panginoon sa nakatakdang mga pista ng mga handog na ito, mga handog na sinusunog, mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon, mga handog na inumin at mga handog pangkapayapaan.”

Numbers 29:39 (UKJV) These things all of you shall do unto the LORD in your set feasts, beside your vows, and your freewill offerings, for your burnt offerings, and for your food offerings, and for your drink offerings, and for your peace offerings.

37Sa paghahandog ninyo nito, samahan ninyo ito ng tamang dami ng handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

38Maghandog din kayo ng isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan, bukod pa sa pang-araw-araw na handog na sinusunog na may kasamang handog na pagkaing butil para sa Panginoon at handog na inumin.

39“Bukod pa sa mga handog para sa pagtupad ng inyong panata at mga handog na kusang-loob, maghandog din kayo sa Panginoon sa nakatakdang mga pista ng mga handog na ito, mga handog na sinusunog, mga handog na pagkaing butil para sa Panginoon, mga handog na inumin at mga handog pangkapayapaan.”

40Sinabing lahat ito ni Moises sa mga Israelita ayon sa iniutos sa kanya ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.