Mga Bilang 30

Ngunit kung tumutol ang kanyang ama kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.

Numbers 30:5 (UKJV) But if her father prohibit her in the day that he hears; not any of her vows, or of her bonds wherewith she has bound her soul, shall stand: and the LORD shall forgive her, because her father disallowed her.

3“Kung ang isang dalaga na naninirahan pa sa bahay ng kanyang ama ay gumawa ng panata o nanumpa sa Panginoon na gagawin niya o hindi ang isang bagay,

4at nalaman ito ng kanyang ama ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang tuparin niya ito.

5Ngunit kung tumutol ang kanyang ama kapag nalaman ito, hindi na niya ito kailangang tuparin. Patatawarin siya ng Panginoon dahil tumutol ang kanyang ama.

6“Kung ang isang dalaga ay manumpa o gumawa ng panata na gagawin niya o hindi ang isang bagay, pagkatapos nag-asawa siya, kahit na pabigla-bigla man o hindi ang kanyang pangako,

7at nalaman ito ng kanyang asawa ngunit hindi naman ito tumutol, kailangang gawin niya ang kanyang ipinangako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.