Mga Bilang 32

Sige, magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga asawaʼt anak at gumawa ng mga kulungan para sa inyong mga hayop, ngunit dapat ninyong tuparin ang inyong ipinangako.”

Numbers 32:24 (UKJV) Build you cities for your little ones, and folds for your sheep; and do that which has proceeded out of your mouth.

22at maangkin ang lupa, maaari na kayong makabalik dito dahil natupad na ninyo ang inyong tungkulin sa Panginoon at sa kapwa ninyo Israelita. At magiging inyo na ang lupaing ito sa harapan ng Panginoon.

23“Subalit kung hindi ninyo ito gagawin, magkakasala kayo sa Panginoon at siguradong pagbabayaran ninyo ang inyong mga kasalanan.

24Sige, magtayo kayo ng mga lungsod para sa inyong mga asawaʼt anak at gumawa ng mga kulungan para sa inyong mga hayop, ngunit dapat ninyong tuparin ang inyong ipinangako.”

25Sumagot ang mga lahi nina Gad at Ruben kay Moises, “Susundin namin ang inyong mga utos.

26Maiiwan dito sa mga lungsod ng Gilead ang aming mga asawa, mga anak at mga hayop.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.