29Sinabi niya, “Kung ang mga tauhan ng lahi nina Gad at Ruben na may kakayahang makipaglaban ay tatawid sa Jordan para sumáma sa pakikipaglaban sa laban ng Panginoon at kung maagaw na ninyo ang lupaing iyon, ibigay ninyo sa kanila ang lupain ng Gilead bilang lupain nila.
30Ngunit kung hindi sila tatawid kasama ninyo dapat silang tumanggap ng lupa kasama ninyo, roon sa lupain ng Canaan.”
31Sinabi ng mga lahi nina Gad at Ruben, “Susundin namin kung ano ang sinabi ng Panginoon.
32Tatawid kami sa Jordan sa presensya ng Panginoon, ngunit ang mamanahin naming lupain ay ang nasa silangan sa tabi ng Jordan.”
33Kaya ibinigay ni Moises sa mga lahi nina Gad, Ruben at sa kalahati ng lahi ni Manases na anak ni Jose ang kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo at ang kaharian ni Haring Og ng Bashan – ang buong lupain pati na ang lungsod at mga teritoryo sa palibot nito.