Mga Bilang 4

“Si Eleazar na anak ng paring si Aaron ang naatasang mag-asikaso sa langis para sa mga ilaw, sa insenso, sa araw-araw na handog na pagkaing butil para sa akin at sa langis na pamahid. Siya ang mamamahala sa buong Tolda at sa lahat ng kagamitan nito.”

Numbers 4:16 (UKJV) And to the office of Eleazar the son of Aaron the priest pertains the oil for the light, and the sweet incense, and the daily food offering, and the anointing oil, and the oversight of all the tabernacle, and of all that therein is, in the sanctuary, and in the vessels thereof.

14At ilalagay nila sa altar ang lahat ng kagamitan nito: Ang lalagyan ng baga, ang malalaking tinidor para sa karne, ang mga pala at ang mga mangkok. Tatakluban nila ito ng magandang klase ng balat at isusuot nila sa argolya ang mga pambuhat nito.

15“Matapos takluban ni Aaron at ng mga anak niya ang Toldang Tipanan at ang lahat ng kagamitan nito, dadalhin ito ng angkan ni Kohat kapag aalis na sila sa kanilang pinagkakampuhan. Ngunit hindi nila hahawakan ang mga banal na bagay para hindi sila mamatay. Ito nga ang mga kagamitan ng Toldang Tipanan na dadalhin ng mga angkan ni Kohat.

16“Si Eleazar na anak ng paring si Aaron ang naatasang mag-asikaso sa langis para sa mga ilaw, sa insenso, sa araw-araw na handog na pagkaing butil para sa akin at sa langis na pamahid. Siya ang mamamahala sa buong Tolda at sa lahat ng kagamitan nito.”

17Sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron,

18“Huwag ninyong pabayaang mawala ang pamilya ni Kohat sa mga Levita.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.