Mga Bilang 4

Si Aaron at ang mga anak niya ang mamamahala sa mga angkan ni Gerson tungkol sa kanilang mga gawain, magdadala man ng mga kagamitan o gagawa ng ibang mga gawain. Kayo ni Aaron ang magsasabi kung ano ang kanilang dadalhin.

Numbers 4:27 (UKJV) At the appointment of Aaron and his sons shall be all the service of the sons of the Gershonites, in all their burdens, and in all their service: and all of you shall appoint unto them in charge all their burdens.

25mga kurtina ng Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan, ang lahat ng pantaklob nito at ang mga kurtina sa pintuan,

26mga kurtina sa bakuran na nakapalibot sa Tolda at altar, ang kurtina sa pintuan ng bakuran, ang mga panali at ang lahat ng kagamitan na ginagamit sa paglilingkod sa Tolda. Sila ang gagawa ng lahat ng mga gawain na may kinalaman sa mga kagamitang ito.

27Si Aaron at ang mga anak niya ang mamamahala sa mga angkan ni Gerson tungkol sa kanilang mga gawain, magdadala man ng mga kagamitan o gagawa ng ibang mga gawain. Kayo ni Aaron ang magsasabi kung ano ang kanilang dadalhin.

28Iyon ang mga gawain ng mga angkan ni Gerson sa Toldang Tipanan. Pangungunahan sila ni Itamar na anak ng paring si Aaron.”

29“Bilangin mo rin ang mga angkan ni Merari ayon sa kanilang pamilya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.