Mga Bilang 6

Pagkatapos, kukunin ito ng pari at itataas sa presensya ng Panginoon bilang handog na handog na itinataas. Banal ang bahaging ito ng handog, at ito ay nakatalaga para sa pari, pati ang dibdib at paa ng tupa na itinaas din sa Panginoon. Pagkatapos nito, maaari nang makainom ng alak na ubas ang Nazareo.

Numbers 6:20 (UKJV) And the priest shall wave them for a wave offering before the LORD: this is holy for the priest, with the wave breast and heave shoulder: and after that the Nazarite may drink wine.

18“At doon sa pintuan ng Toldang Tipanan aahitin ng Nazareo ang kanyang buhok na simbolo ng pagtatalaga niya ng kanyang buhay sa Panginoon. Susunugin niya ito sa apoy na pinagsusunugan ng handog pangkapayapaan.

19“Pagkatapos nito, ilalagay ng pari sa kamay ng Nazareo ang balikat ng nilagang tupa at ang manipis at makapal na mga tinapay na walang pampaalsa na galing sa basket.

20Pagkatapos, kukunin ito ng pari at itataas sa presensya ng Panginoon bilang handog na handog na itinataas. Banal ang bahaging ito ng handog, at ito ay nakatalaga para sa pari, pati ang dibdib at paa ng tupa na itinaas din sa Panginoon. Pagkatapos nito, maaari nang makainom ng alak na ubas ang Nazareo.

21“Ito ang tuntunin para sa isang Nazareo. Subalit kung mangangako ang isang Nazareo na maghahandog siya sa Panginoon nang sobra sa ipinapatupad sa kanyang panata, dapat niya itong sundin.”

22Sinabi ng Panginoon kay Moises,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.