1Sinabi ng Panginoon kay Moises,
2“Sabihin mo sa mga Israelita na kung ang isang lalaki o babae ay gagawa ng isang panata na itatalaga niya ang kanyang sarili sa paglilingkod sa Panginoonbilang Nazareo,
3hindi siya dapat uminom ng alak na mula sa ubas o ng kahit na anong nakalalasing na inumin. Hindi rin siya gagamit ng suka na galing sa anumang inuming nakalalasing. Hindi rin siya dapat uminom ng alak, o kumain ng ubas o pasas.
4Habang isa siyang Nazareo, hindi siya dapat kumain ng kahit anong galing sa ubas, kahit na buto o balat nito.
5“Hindi rin niya pagugupitan ang kanyang buhok habang hindi pa natatapos ang kanyang panata sa Panginoon. Kailangang maging banal siya hanggang sa matapos ang panahon ng kanyang panata. Kaya hahayaan lang niyang humaba ang kanyang buhok.