35dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Elizur na anak ni Sedeur.
36Nang ikalimang araw, si Selumiel na anak ni Zurishadai, na pinuno ng tribo ni Simeon ang nagdala ng kanyang handog.
37Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.
38Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
39isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;