62Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;
63isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;
64isang lalaking kambing bilang handog para sa kasalanan;
65dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni.
66Nang ikasampung araw, si Ahiezer na anak ni Amishadai, na pinuno ng tribo ni Dan ang nagdala ng kanyang handog.