Mga Bilang 7

Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.

Numbers 7:67 (UKJV) His offering was one silver charger, the weight whereof was an hundred and thirty shekels, one silver bowl of seventy shekels, after the shekel of the sanctuary; both of them full of fine flour mingled with oil for a food offering:

65dalawang baka, limang lalaking tupa, limang lalaking kambing at limang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog pangkapayapaan. Ito ang handog ni Abidan na anak ni Gideoni.

66Nang ikasampung araw, si Ahiezer na anak ni Amishadai, na pinuno ng tribo ni Dan ang nagdala ng kanyang handog.

67Ang kanyang mga handog ay isang pilak na bandehado na may bigat na isaʼt kalahating kilo, at isang pilak na mangkok na may bigat na 800 gramo ayon sa bigat ng pilak sa timbangang ginagamit ng mga pari. Ang bawat isa nitoʼy puno ng pinong harina na hinaluan ng langis bilang handog na pagkaing butil.

68Nagdala rin ang bawat isa sa kanila ng isang gintong pinggan na may bigat na mga 115 gramo na puno ng insenso;

69isang batang toro, isang lalaking tupa at isang batang lalaking tupa na isang taóng gulang bilang handog na sinusunog;

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.