Mga Bilang 8

“Sabihin mo kay Aaron na kung ilalagay na niya ang pitong ilaw, kailangang maliwanagan ng ilaw ang lugar sa harapan ng pinaglagyan nito.”

Numbers 8:2 (UKJV) Speak unto Aaron and say unto him, When you light the lamps, the seven lamps shall give light opposite to the candlestick.

1Sinabi ng Panginoon kay Moises,

2“Sabihin mo kay Aaron na kung ilalagay na niya ang pitong ilaw, kailangang maliwanagan ng ilaw ang lugar sa harapan ng pinaglagyan nito.”

3Kaya ginawa ito ni Aaron; inilagay niya ang mga ilaw kung saan ang sinag ng mga ito ay nagliliwanag sa harapan, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

4Ang buong lalagyan ng ilaw, mula sa ilalim hanggang sa itaas ay gawa sa pinitpit na ginto ayon sa disenyo na ipinakita ng Panginoon kay Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.