7Ganito ang gagawin mong paglilinis sa kanila: Wisikan mo sila ng tubig na ginagamit sa paglilinis, paahitan ang buo nilang katawan, at palabhan ang kanilang mga damit. Pagkatapos nito ay ituturing na silang malinis.
8Pagkatapos, pagdalhin mo sila ng batang toro at ng magandang klaseng harina na hinaluan ng langis bilang handog para sa kasalanan nila sa Panginoon. Pagdalhin mo rin sila ng isa pang batang toro bilang handog para sa kasalanan.
9“Pagkatapos, tipunin mo ang lahat ng mga mamamayan ng Israel at italaga ang mga Levita sa harap ng Toldang Tipanan.
10Dalhin mo ang mga Levita sa harapan ng Panginoon at ipapatong ng mga Israelita ang kanilang mga kamay sa mga ulo nito.
11Si Aaron ang magtatalaga sa kanila sa harapan ng Panginoon bilang handog na itinataas mula sa mga Israelita, para makapaglingkod sila sa Panginoon.