Obadias 1

“Ngunit may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupaing dati nilang pag-aari.

Obadiah 1:17 (UKJV) But upon mount Zion shall be deliverance, and there shall be holiness; and the house of Jacob shall possess their possessions.

15“Malapit na ang araw ng paghatol ng Panginoon sa lahat ng bansa. At kung ano ang inyong ginawa sa iba, ganoon din ang gagawin sa inyo. Kung paano ang pagtrato nʼyo sa iba, ganoon din ang magiging pagtrato nila sa inyo.

16Kung paanong pinarusahan ang aking mga mamamayan sa aking banal na bundok, parurusahan din ang lahat ng bansa. Matinding parusa ang ibibigay ko sa kanila hanggang malipol silang lahat.

17“Ngunit may matitirang mga Israelita sa bundok ng Zion, at magiging banal muli ang lugar na ito. Maibabalik sa mga lahi ni Jacob ang mga lupaing dati nilang pag-aari.

18Ang mga lahi nina Jacob at Jose ay magiging tulad ng apoy na lilipol sa lahi ni Esau, tulad ng pagsunog sa dayami. At walang matitira sa lahi ni Esau.” Ito ang sinabi ng Panginoon.

19“Sasakupin ng mga taga-Negeb ang bundok ni Esau, at sasakupin ng mga nakatira sa kaburulan sa kanluran ang lupain ng mga Filisteo. Sasakupin din ng mga Israelita ang lupain ng Efraim at Samaria, at sasakupin naman ng lahi ni Benjamin ang Gilead.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.