Filemon 1

Isa pa pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makabalik sa inyo bilang sagot sa inyong mga panalangin.

Philemon 1:22 (UKJV) But likewise prepare me also a lodging: for I trust that through your prayers I shall be given unto you.

20Kaya kapatid, pagbigyan mo na ang aking kahilingan alang-alang sa Panginoon. Pasiglahin mo ang kalooban ko bilang kapatid kay Kristo.

21Sumulat ako dahil malaki ang tiwala kong pagbibigyan mo ang aking kahilingan, at alam kong higit pa roon ang iyong gagawin.

22Isa pa pala, ipaghanda mo ako ng matutuluyan, dahil umaasa akong makabalik sa inyo bilang sagot sa inyong mga panalangin.

23Kinukumusta ka ni Epafras na kapwa ko bilanggo dahil kay Kristo Hesus.

24Kinukumusta ka rin ng mga kamanggagawa kong sina Marcos, Aristarco, Demas at Lucas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.