Mga Taga-Filipos 2

Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos.

Philippians 2:12 (UKJV) Wherefore, my beloved, as all of you have always obeyed, not as in my presence only, but now much more in my absence, work out your own salvation with fear and trembling.

10upang sa pangalan ni Hesus, luluhod at magpupuri ang lahat ng nasa langit at lupa, at nasa ilalim ng lupa.

11At ipapahayag ng lahat na si Hesu-Kristo ang Panginoon, sa ikapupuri ng Diyos Ama.

12Mga minamahal, kung paanong palagi ninyo akong sinusunod noong magkakasama pa tayo, mas lalo sana kayong maging masunurin kahit ngayong malayo na ako sa inyo. Sikapin ninyong ipamuhay ang kaligtasang tinanggap ninyo nang may takot at paggalang sa Diyos.

13Sapagkat ang Diyos ang siyang kumikilos sa inyo upang magkaroon kayo ng pagnanais at kakayahang masunod ang kalooban niya.

14Gawin ninyo ang lahat nang walang reklamo o pagtatalo,

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.