18Ngayon, dahil sa tulong na ipinadala ninyo sa akin sa pamamagitan ni Epafrodito, natugunan na ang mga pangangailangan ko at sobra pa nga. Ang tulong ninyo ay tulad ng mabangong handog sa Diyos na tinatanggap niya nang may kasiyahan.
19At dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus, ibibigay sa inyo ng aking Diyos ang lahat ng pangangailangan ninyo, mula sa kasaganaan ng kayamanan niya.
20Purihin natin ang ating Diyos at Ama magpakailanman. Amen.
21Ikumusta ninyo ako sa lahat ng mga hinirang diyan ng Diyos na nakay Kristo Hesus. Kinukumusta kayo ng mga kapatid kay Kristo na kasama ko rito.
22Kinukumusta rin kayo ng lahat ng mga hinirang ng Diyos dito, lalong-lalo na ang mga naglilingkod sa palasyo ng Emperador.