Pahayag 1

“Kaya isulat mo ang mga bagay na ipinapakita ko sa iyo, ang mga bagay na nangyayari ngayon at ang mangyayari pa lang.

Revelation 1:19 (UKJV) Write the things which you have seen, and the things which are, and the things which shall be hereafter;

17Nang makita ko siya, napahandusay ako na parang patay sa kanyang paanan. Ipinatong niya agad ang kanang kamay niya sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot! Ako ang simula at ang katapusan.

18Akoʼy buháy magpakailanman. Namatay ako, ngunit masdan mo, buháy ako, at hindi na muling mamamatay. Nasa ilalim ng aking kapangyarihan ang kamatayan at ang mundo ng mga patay.

19“Kaya isulat mo ang mga bagay na ipinapakita ko sa iyo, ang mga bagay na nangyayari ngayon at ang mangyayari pa lang.

20Ito ang ibig sabihin ng pitong bituin na nakita mo sa kanang kamay ko at ang pitong lamparang ginto: Ang pitong bituin ay ang pitong anghel na nagbabantay sa pitong iglesya, at ang pitong lamparang ginto ay ang pitong iglesya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.