Pahayag 10

Isusulat ko na sana ang sinabi ng pitong kulog, ngunit may nagsalita sa akin mula sa langit, “Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog. Huwag mong isulat.”

Revelation 10:4 (UKJV) And when the seven thunders had uttered their voices, I was about to write: and I heard a voice from heaven saying unto me, Seal up those things which the seven thunders uttered, and write them not.

2May hawak siyang maliit na kasulatang nakabukas. Itinuntong niya sa dagat ang kanang paa niya at sa lupa naman ang kaliwa.

3Sumigaw siya nang malakas na parang umaatungal na leon, at tinugon naman siya ng dagundong ng pitong kulog.

4Isusulat ko na sana ang sinabi ng pitong kulog, ngunit may nagsalita sa akin mula sa langit, “Ilihim mo ang sinabi ng pitong kulog. Huwag mong isulat.”

5At nakita kong itinaas ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa, ang kanyang kamay sa langit.

6At sumumpa siya sa Diyos na nabubuhay magpakailanman, ang lumikha ng langit, lupa, at dagat at lahat ng naroroon, at sinabi, “Hindi na magtatagal ang panahon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.