11Nagtagumpay na ang ating mga kapatid sa pamamagitan ng dugo ng Kordero at ng kanilang patotoo. Hindi nila pinahalagahan ang kanilang buhay maging sa harap ng kamatayan.
12Kaya magalak kayong mga naninirahan sa kalangitan! Ngunit nakakakilabot ang sasapitin ninyo, kayong mga nasa lupa at dagat sapagkat bumaba na sa inyo ang diyablo. Siyaʼy puno ng galit sapagkat alam niyang ang oras niya ay maikli na lamang.”
13Nang makita ng dragon na itinapon na siya sa lupa, tinugis niya ang babaeng nanganak ng sanggol na lalaki.
14Ngunit binigyan ang babae ng dalawang pakpak na tulad sa malaking agila upang makalipad sa isang lugar sa ilang na inihanda para sa kanya. Doon siya aalagaan sa loob ng tatloʼt kalahating taon, malayo at ligtas sa dragon.
15Kaya mula sa bibig ng dragon, nagbuga ito ng tubig, na parang ilog upang tangayin ang babae sa agos nito.