1Pagkatapos nito, isang dakilang tanda ang lumitaw sa langit: isang babaeng nakadamit ng araw at nakatuntong sa buwan. May korona sa kanyang ulo na may labindalawang bituin.
2Buntis siya at manganganak na, kaya dumadaing siya dahil sa matinding sakit.
3May isa pang dakilang tanda akong nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay na may korona sa bawat ulo.
4Tinangay ng buntot niya ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at itinapon sa lupa. Tumayo ang dragon sa harap ng babaeng manganganak na upang lamunin ang sanggol sa oras na isilang ito.
5At nanganak nga ang babae ng isang sanggol na lalaki na siyang “maghahari sa lahat ng bansa sa pamamagitan ng kamay na bakal”. Inagaw agad ang sanggol at dinala sa Diyos doon sa kanyang trono.