6Ang babae naman ay tumakas sa ilang, sa isang lugar na inihanda ng Diyos para sa kanya, upang maalagaan siya roon sa loob ng 1,260 araw.
7Pagkatapos nito, nagkaroon ng digmaan sa langit. Nakipaglaban si Miguel at ang mga kasamahan niyang anghel sa dragon. At lumaban din ang dragon at ang kampon nʼyang mga anghel.
8Subalit hindi sapat ang lakas ng dragon kaya natalo sila at pinalayas sa langit.
9Kaya itinaboy ang malaking dragon; ang ahas noong unang panahon na diyablo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo. Itinapon siya sa lupa kasama ang kanyang mga anghel.
10Pagkatapos, narinig ko ang malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi: “Dumating na ang kaligtasan at kapangyarihan, at ang kaharian ng Diyos at ang awtoridad ng Mesias. Sapagkat ang umaakusa sa ating mga kapatid na nagpaparatang sa kanila araw at gabi ay ibinagsak na sa mundo.