13Iisa ang layunin ng sampung haring iyon. At ipapailalim nila ang kapangyarihan at pamamahala nila sa halimaw.
14Lalabanan nila ang Kordero ngunit matatalo sila, dahil siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama ng Kordero ang mga tapat na alagad niya na kanyang tinawag at pinili.”
15Sinabi rin sa akin ng anghel, “Ang tubig na nakita mong inuupuan ng babaeng bayaran ay ang mga tao sa ibaʼt ibang lahi, bansa at wika.
16Ang sampung sungay at ang halimaw na nakita mo ay mapopoot sa babaeng bayaran. Kukunin nila ang mga ari-arian niya pati na ang suot niyang damit at walang maiiwan sa kanya. Kakainin nila ang kanyang laman at siyaʼy susunugin.
17Niloob ng Diyos na maisakatuparan ng sampung hari ang kanyang layunin. Kaya mapagkakasunduan nila na ipailalim sa halimaw ang kapangyarihan at pamamahala nila hanggang sa matupad ang sinabi ng Diyos.