23Papatayin ko ang mga alagad niya upang malaman ng lahat ng iglesya na alam ko ang iniisip at hinahangad ng tao. Gagantihan ko ang bawat isa sa inyo ayon sa mga ginawa ninyo.
24“Ngunit ang iba sa inyo diyan sa Tiatira ay hindi sumusunod sa mga turo ni Jezebel. Hindi kayo natuto ng tinatawag nilang ‘malalalim na mga turo ni Satanas.’ Kaya wala na akong idadagdag pang tuntunin na dapat ninyong sundin.
25Ipagpatuloy na lamang ninyo ang inyong katapatan sa akin hanggang sa pagdating ko.
26“Sa mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban ko hanggang sa wakas, bibigyan ko sila ng kapangyarihang mamahala sa mga bansa,
27tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. Mamamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa gaya ng pagdurog sa palayok.