Pahayag 21

Ang lungsod ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader, na may labindalawang pintuan, at bawat pintuan ay may tagapagbantay na anghel. Nakasulat sa mga pintuan ang pangalan ng labindalawang lahi ng Israel.

Revelation 21:12 (UKJV) And had a wall great and high, and had twelve gates, and at the gates twelve angels, and names written thereon, which are the names of the twelve tribes of the children of Israel:

10Napuspos agad ako ng Espiritu, at dinala ako ng anghel sa tuktok ng napakataas na bundok. At ipinakita niya sa akin ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos.

11Nakakasilaw itong tingnan dahil sa kaluwalhatian ng Diyos, at kumikislap na parang mamahaling batong haspe na kasinlinaw ng kristal.

12Ang lungsod ay napapalibutan ng mataas at matibay na pader, na may labindalawang pintuan, at bawat pintuan ay may tagapagbantay na anghel. Nakasulat sa mga pintuan ang pangalan ng labindalawang lahi ng Israel.

13Tatlo ang pinto sa bawat panig ng pader: tatlo sa silangan, tatlo sa hilaga, tatlo sa timog, at tatlo sa kanluran.

14Ang pader ay may labindalawang pundasyong bato at nakasulat doon ang labindalawang pangalan ng mga apostol ng Kordero.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.