Pahayag 21

Lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na nagbuhos ng laman ng kanilang mga sisidlan, na siyang pitong panghuling salot. Sinabi niya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal sa Kordero.”

Revelation 21:9 (UKJV) And there came unto me one of the seven angels which had the seven vials full of the seven last plagues, and talked with me, saying, Come here, I will show you the bride, the Lamb's wife.

7Ang mga magtatagumpay ay gagawin kong mga anak ko, at akoʼy magiging Diyos nila.

8Ngunit ang mga duwag, mga ayaw sumampalataya sa akin, mga marurumi ang gawain, mga mamamatay-tao, mga imoral, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, at lahat ng sinungaling ay itatapon sa naglalagablab na lawang apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.”

9Lumapit sa akin ang isa sa pitong anghel na nagbuhos ng laman ng kanilang mga sisidlan, na siyang pitong panghuling salot. Sinabi niya, “Halika, ipapakita ko sa iyo ang babaeng ikakasal sa Kordero.”

10Napuspos agad ako ng Espiritu, at dinala ako ng anghel sa tuktok ng napakataas na bundok. At ipinakita niya sa akin ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Diyos.

11Nakakasilaw itong tingnan dahil sa kaluwalhatian ng Diyos, at kumikislap na parang mamahaling batong haspe na kasinlinaw ng kristal.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.