4Umiyak ako nang labis sapagkat walang natagpuang karapat-dapat na magbukas at bumasa ng kasulatang iyon.
5At sinabi sa akin ng isa sa mga pinuno, “Huwag kang umiyak. Tingnan mo! Ang tinaguriang Leon mula sa lahi ni Juda, ang Supling ni David ay nagtagumpay at karapat-dapat siyang magtanggal ng pitong selyo at buksan ang kasulatan.”
6Pagkatapos, nakita ko ang isang Korderong mukhang pinatay, na nakatayo sa pagitan ng mga pinuno at ng tronong napapaligiran ng apat na buháy na nilalang. Mayroon itong pitong sungay at pitong mata, na siyang pitong Espiritu ng Diyos na isinugo sa lahat ng lugar sa mundo.
7Lumapit ang Kordero sa trono at kinuha niya ang kasulatan sa kanang kamay ng nakaupo roon.
8Nang kunin niya iyon, nagpatirapa ang apat na buháy na nilalang at ang dalawampuʼt apat na pinuno sa harap ng Kordero. Ang bawat isa sa kanila ay may hawak na alpa at gintong sisidlang puno ng insenso, na siyang panalangin ng mga hinirang ng Diyos.