Pahayag 9

At nakita ko sa aking pangitain ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Ang mga pananggalang ng mga nakasakay ay pula na parang apoy, bughaw na tulad ng jacinto, at dilaw gaya ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon at sa bibig nila ay may lumalabas na apoy, usok at asupre.

Revelation 9:17 (UKJV) And thus I saw the horses in the vision, and them that sat on them, having breastplates of fire, and of jacinth, and brimstone: and the heads of the horses were as the heads of lions; and out of their mouths issued fire and smoke and brimstone.

15Kaya pinakawalan ang apat na anghel na iyon. Inihanda sila noon pa para sa oras na iyon para patayin ang ikatlong bahagi ng sangkatauhan.

16Narinig ko na ang bilang ng mga hukbo nilang nakasakay sa kabayo ay 200 milyon.

17At nakita ko sa aking pangitain ang mga kabayo at ang mga sakay nito. Ang mga pananggalang ng mga nakasakay ay pula na parang apoy, bughaw na tulad ng jacinto, at dilaw gaya ng asupre. Ang ulo ng mga kabayo ay parang ulo ng leon at sa bibig nila ay may lumalabas na apoy, usok at asupre.

18At sa pamamagitan ng tatlong salot na ito – ang apoy, usok at asupre – namatay ang ikatlong bahagi ng mga tao.

19Ang kapangyarihan ng mga kabayo ay nasa bibig at buntot nila. Ang buntot nila ay may mga ulo na parang mga ahas, at ito ang ginagamit nila sa pananakit ng mga tao.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.