Mga Taga-Roma 1

Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid.”

Romans 1:17 (UKJV) For therein is the righteousness of God revealed from faith to faith: as it is written, The just shall live by faith.

15Iyan ang dahilan kung bakit nais ko ring maipangaral ang Magandang Balita diyan sa inyo sa Roma.

16Hindi ko ikinakahiya ang Magandang Balita, dahil ito ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng lahat ng sumasampalataya, una ang mga Hudyo at gayon din ang mga Hentil.

17Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Diyos na matuwid ang tao sa paningin niya. Itoʼy sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas; gaya ng sinasabi sa Kasulatan, “Mabubuhay sa pananampalataya ang matuwid.”

18Ipinapakita ng Diyos mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na pumipigil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.

19Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Diyos ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.