18Ipinapakita ng Diyos mula sa langit ang kanyang poot sa lahat ng kasamaan at kalapastanganang ginagawa ng mga tao, na pumipigil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan.
19Sapagkat ang katotohanan tungkol sa Diyos ay malinaw sa kanila dahil inihayag ito sa kanila ng Diyos.
20Totoong hindi nakikita ang Diyos, pero mula pa nang likhain niya ang mundo, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos ay naipahayag na sa mga bagay na ginawa niya; kaya wala silang maidadahilan.
21At kahit alam nilang may Diyos, hindi nila siya pinarangalan o pinasalamatan man lang. Sa halip, ibinaling nila ang kanilang pag-iisip sa mga bagay na walang kabuluhan, kaya napuno ng kadiliman ang mga hangal nilang pag-iisip.
22Nagmamarunong sila, ngunit lumilitaw na silaʼy mga mangmang.