15At paano makakapangaral ang sinuman kung hindi naman siya isinugo? Ayon sa Kasulatan: “Napakagandang pagmasdan ang pagdating ng mga nagdadala ng magandang balita.”
16Ngunit hindi naman tinatanggap ng lahat ang Magandang Balita. Sinabi nga ni Isaias, “Panginoon, sino po ba ang naniwala sa sinabi namin?”
17Sasampalataya lang ang tao kung maririnig niya ang mensahe tungkol kay Kristo, at maririnig lang niya ito kung may mangangaral sa kanya.
18Ito ngayon ang tanong ko: Hindi ba nakarinig ang mga Israelita? Nakarinig sila, dahil sinasabi sa Kasulatan: “Narinig sa lahat ng dako ang kanilang tinig; At nakarating sa buong mundo ang sinabi nila.”
19Kung ganoon, hindi ba ito naunawaan ng mga Israelita? Naunawaan nila, dahil ayon sa isinulat ni Moises, “Iinggitin ko kayo sa pamamagitan ng mga lahing hindi maituturing na bansa. Gagalitin ko kayo dahil ipapakita ko ang aking awa sa mga tao na hindi nakakakilala sa akin.”