10Lumabo nawa ang kanilang mga mata nang hindi sila makakita, at magpakailanmaʼy magkandakuba sa bigat ng mga pasanin nila.”
11Tatanungin ko muli: Natisod ba ang mga Hudyo upang hindi na makabangon pa? Hindi! Sa halip, dahil sa pagkakasala nila, nabigyan ng pagkakataon ang mga Hentil na maligtas. At dahil dito, maiinggit ang mga Hudyo.
12Ngayon, kung ang kasalanan ng mga Hudyo ay nagdulot ng masaganang pagpapala sa buong mundo, at ang kanilang kawalan ay nagdulot ng malaking pagpapala sa mga Hentil, paano pa kaya kapag nagbalik-loob sa Diyos ang buong Israel?
13Ngayon, ito naman ang sasabihin ko sa inyong mga Hentil: Ginawa akong apostol ng Diyos para sa inyo, at ikinararangal ko ang tungkuling ito.
14Baka sakaling sa pamamagitan nito ay magawa kong inggitin ang mga kapwa ko Hudyo upang sumampalataya ang ilan sa kanila at maligtas.