16Magkaisa kayo ng saloobin. Huwag kayong magmataas, sa halip ay makipagkaibigan kayo sa mga taong mababa ang kalagayan. Huwag kayong magmarunong.
17Huwag ninyong gantihan ng masama ang mga gumagawa sa inyo ng masama. Sa halip, gawin ninyo kung ano ang mabuti sa paningin ng lahat.
18Gawin ninyo ang lahat ng makakaya ninyo upang makipamuhay nang mapayapa sa lahat ng tao.
19Mga minamahal, huwag kayong maghihiganti. Ipaubaya ninyo iyan sa Diyos. Sapagkat sinabi ng Panginoon sa Kasulatan, “Ako ang maghihiganti; ako ang magpaparusa.”
20Kaya: “Kung nagugutom ang iyong kaaway, bigyan mo ng makakain. Kung siyaʼy nauuhaw, bigyan mo ng maiinom. Dahil kapag ginawa mo ang mga ito, mapapahiya siya sa kanyang sarili na parang nilagyan mo ng baga ang kanyang ulo.”