Mga Taga-Roma 14

Ang taong may pinapahalagahang araw ay gumagawa nito para sa Panginoon. At ang tao namang kumakain ng kahit anong pagkain ay gumagawa rin nito para sa Panginoon, dahil pinasasalamatan niya ang Diyos para sa kanyang pagkain. Ang hindi naman kumakain ng ilang klase ng pagkain ay gumagawa nito para sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Diyos.

Romans 14:6 (UKJV) He that regards the day, regards it unto the Lord; and he that regards not the day, to the Lord he does not regard it. He that eats, eats to the Lord, for he gives God thanks; and he that eats not, to the Lord he eats not, and gives God thanks.

4Kaya, sino ka para husgahan ang utusan ng iba? Ang amo lang niya ang makapagsasabi kung tama o hindi ang ginagawa niya. At talagang magagawa niya ang tama, dahil ang Panginoon ang tutulong sa kanya.

5May mga taong naniniwala na mas mahalaga ang isang araw kaysa sa ibang araw. May tao namang pare-pareho lang para sa kanya ang lahat ng araw. Hayaang magpasya ang bawat isa para sa kanyang sarili.

6Ang taong may pinapahalagahang araw ay gumagawa nito para sa Panginoon. At ang tao namang kumakain ng kahit anong pagkain ay gumagawa rin nito para sa Panginoon, dahil pinasasalamatan niya ang Diyos para sa kanyang pagkain. Ang hindi naman kumakain ng ilang klase ng pagkain ay gumagawa nito para sa Panginoon at nagpapasalamat din siya sa Diyos.

7Wala ni isa man sa atin ang nabubuhay o namamatay para sa sarili lamang.

8Kung tayoʼy nabubuhay, nabubuhay tayo para sa Panginoon, at kung tayoʼy mamamatay, mamamatay tayo para sa Panginoon. Kaya mabuhay man tayo o mamatay, tayoʼy sa Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.