13Kumusta rin kay Rufo, na isang mahusay na lingkod ng Panginoon. Kumusta rin sa kanyang ina, na para ko na ring ina.
14Ikumusta rin ninyo ako kina Asincrito, Flegon, Hermes, Patrobas, Hermas at sa mga kapatid na kasama nila.
15Kumusta rin kina Filologo, Julia, Nereo at sa kapatid niyang babae na si Olimpas, at sa lahat ng hinirang ng Diyos na kasama nila.
16Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Kristo. Kinukumusta kayo ng lahat ng iglesya ni Kristo rito.
17Mga kapatid, nakikiusap ako sa inyo: Mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila.