1Ngayon, nais kong ipakilala sa inyo ang kapatid nating si Febe. Naglilingkod siya sa iglesya sa Cencrea.
2Tanggapin ninyo siya bilang kapatid sa Panginoon gaya ng nararapat gawin ng mga hinirang ng Diyos. Tulungan ninyo siya sa anumang kakailanganin niya dahil marami siyang natulungan, at isa na ako roon.
3Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila na mga kamanggagawa kay Kristo Hesus.
4Itinaya nila ang kanilang buhay alang-alang sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, at hindi lang ako kundi pati na rin ang lahat ng iglesya ng mga Hentil.