Mga Taga-Roma 2

Alam ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos at alam din ninyo kung ano ang dapat gawin, dahil itinuro ito sa inyo ng Kautusan.

Romans 2:18 (UKJV) And know his will, and approve the things that are more excellent, being instructed out of the law;

16At ayon sa Magandang Balitang itinuturo ko, ang konsensiya ay pagbabatayan din sa araw na hahatulan ng Diyos, sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, ang lahat ng lihim ng mga tao.

17Sinasabi ninyo na mga Hudyo kayo, nagtitiwala kayo sa Kautusan at ipinagmamalaki ang inyong kaugnayan sa Diyos.

18Alam ninyo kung ano ang kalooban ng Diyos at alam din ninyo kung ano ang dapat gawin, dahil itinuro ito sa inyo ng Kautusan.

19Ipinapalagay ninyong tagaakay kayo ng mga bulag, ilaw sa mga taong nasa kadiliman,

20at tagapagturo ng mga kulang ang pang-unawa at ng mga bata pa. Ganito nga ang tingin ninyo sa inyong sarili, dahil naniniwala kayo na sa pamamagitan ng Kautusan ay nakamit na ninyo ang lahat ng kaalaman at katotohanan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.