2Totoong nakahihigit ang mga Hudyo sa maraming bagay. Una sa lahat, ipinagkatiwala sa kanila ang salita ng Diyos.
3Paano kung hindi naging tapat ang iba sa kanilang pagsunod sa Diyos? Nangangahulugan ba iyon na hindi na rin magiging tapat ang Diyos sa pagtupad sa kanyang mga pangako?
4Aba hindi! Sapagkat tapat ang Diyos sa kanyang mga salita, kahit sinungaling pa ang tao. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan: “Mapapatunayang tapat ka sa iyong salita, at laging tama sa iyong paghatol.”
5Kung sa pamamagitan ng mga ginagawa naming masama ay makikita ang kabutihan ng Diyos, hindi makatarungan ang Diyos kung parurusahan niya kami. (Ganyan ang pangangatwiran ng mundo.)
6Ngunit maling-mali ʼyan, sapagkat makatarungan ang Diyos. Nararapat lamang na hatulan niya ang sanlibutan!