Mga Taga-Roma 4

Ang Kautusan ang siyang naging dahilan kung bakit may parusa mula sa Diyos. Kung walang Kautusan, wala ring paglabag.

Romans 4:15 (UKJV) Because the law works wrath: for where no law is, there is no transgression.

13Ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang lahi na mamanahin nila ang mundo. Ang pangakong ito ay ibinigay ng Diyos kay Abraham hindi dahil sa pagsunod niya sa Kautusan, kundi dahil itinuring siya ng Diyos na matuwid sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.

14Kung ang mga nasasakop lamang ng Kautusan ang magiging tagapagmana, walang kabuluhan ang pananampalataya at ganoon din naman ang pangako ng Diyos.

15Ang Kautusan ang siyang naging dahilan kung bakit may parusa mula sa Diyos. Kung walang Kautusan, wala ring paglabag.

16Samakatuwid, nakabatay ang pangako ng Diyos sa pananampalataya upang itoʼy maging biyaya ng Diyos at tiyak na matatanggap ng lahat ng lahi ni Abraham; hindi lamang ng mga sakop ng Kautusan, kundi maging ng mga Hentil na sumasampalataya ring tulad ni Abraham, sapagkat siya ang ama nating lahat.

17Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan, “Ginawa kitang ama ng maraming bansa.” Kaya sa paningin ng Diyos, si Abraham ang ating ama. At ang Diyos na pinaniwalaan ni Abraham, ang siya ring Diyos na bumubuhay sa mga patay at lumilikha ng mga bagay na wala pa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.