Mga Taga-Roma 5

Noong nagkasala si Adan, pumasok ang kasalanan sa mundo. Ang kasalanan niya ay nagdulot ng kamatayan. Kaya mula noon, ang lahat ng tao ay namamatay dahil ang lahat ay nagkasala.

Romans 5:12 (UKJV) Wherefore, as by one man sin entered into the world, and death by sin; and so death passed upon all men, for that all have sinned:

10Dati, kaaway tayo ng Diyos, pero ngayon, tinanggap na niya tayong mga kaibigan sa pamamagitan ng pagkamatay ng kanyang Anak. At ngayong mayroon na tayong magandang relasyon sa Diyos, tiyak na ililigtas niya tayo sa kaparusahan sa pamamagitan ng buhay ni Kristo.

11At hindi lang iyan, nagagalak din tayo sa Diyos ngayon dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo. Sa pamamagitan niyaʼy naibalik ang magandang relasyon natin sa Diyos.

12Noong nagkasala si Adan, pumasok ang kasalanan sa mundo. Ang kasalanan niya ay nagdulot ng kamatayan. Kaya mula noon, ang lahat ng tao ay namamatay dahil ang lahat ay nagkasala.

13Nasa mundo na ang kasalanan bago pa man ibigay ng Diyos ang Kautusan. Ngunit hindi pinapanagot ang mga tao sa kanilang mga kasalanan kung wala namang Kautusan.

14Ganoon pa man, naghari pa rin ang kamatayan mula kay Adan hanggang kay Moises, kahit sa mga taong hindi naman nagkasala nang tulad ni Adan na lumabag sa utos ng Diyos; si Adan na larawan ng Kristo na nooʼy inaasahang darating.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.