Mga Taga-Roma 5

Ang Diyos mismo ang nagbigay ng Kautusan. Ngunit habang sinisikap ng taong sundin ang Kautusang ito, lalo lang nila itong nilalabag. At habang nadadagdagan ang kanilang kasalanan ay lalo namang nadadagdagan ang kagandahang-loob ng Diyos sa kanila.

Romans 5:20 (UKJV) Moreover the law entered, that the offence might abound. But where sin abounded, grace did much more abound:

18Kayaʼt dahil sa kasalanan ng isang tao, nahatulan ng kaparusahan ang lahat. Ganoon din naman, dahil sa matuwid na ginawa ng isang tao, ang lahat ay maituturing na matuwid at mabibigyan ng bagong buhay.

19Kung dahil sa pagsuway ng isang tao ay marami ang naging makasalanan, ganoon din naman, dahil sa pagsunod ng isang tao ay marami ang ituturing na matuwid.

20Ang Diyos mismo ang nagbigay ng Kautusan. Ngunit habang sinisikap ng taong sundin ang Kautusang ito, lalo lang nila itong nilalabag. At habang nadadagdagan ang kanilang kasalanan ay lalo namang nadadagdagan ang kagandahang-loob ng Diyos sa kanila.

21Kaya kung paanong naghari ang kasalanan at nagdulot ng kamatayan, ganoon din naman, naghahari ang biyaya ng Diyos at nagdudulot ng buhay na walang hanggan. At dahil sa ginawa ng ating Panginoong Hesu-Kristo, itinuring tayong matuwid ng Diyos.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.