Mga Taga-Roma 7

Mga kapatid, alam naman ninyo ang tungkol sa batas kaya nauunawaan ninyo na ang taoʼy nasasakop lamang nito habang nabubuhay siya.

Romans 7:1 (UKJV) Know all of you not, brethren, (for I speak to them that know the law,) how that the law has dominion over a man as long as he lives?

1Mga kapatid, alam naman ninyo ang tungkol sa batas kaya nauunawaan ninyo na ang taoʼy nasasakop lamang nito habang nabubuhay siya.

2Halimbawa, ayon sa batas, ang isang babaeng may asawa ay nakatali sa kanyang asawa habang nabubuhay ito. Ngunit kung namatay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na nagtatali sa kanya sa asawa niya.

3Kaya kung sisiping siya sa ibang lalaki habang buháy pa ang kanyang asawa, nagkakasala siya ng pangangalunya. Ngunit kung patay na ang kanyang asawa, malaya na siya sa batas na ʼyon. At kung mag-asawa man siyang muli, hindi siya nagkakasala ng pangangalunya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.