9Nagtanong si Boaz, “Sino ka?” Sumagot siya, “Ako po si Ruth, na inyong lingkod. Takpan nʼyo po ako ng laylayan ng inyong damit sapagkat isa po kayo sa aming kamag-anak na manunubos.”
10Sinabi ni Boaz, “Anak, pagpalain ka nawa ng Panginoon. Ang katapatan na ipinakita mo ngayon sa pamilya mo ay pa sa ipinakita mo noon. Sapagkat hindi ka naghanap ng binata, mayaman man o mahirap.
11Kaya huwag kang mag-alala, anak. Gagawin ko ang lahat ng hinihiling mo, dahil alam ng lahat ng kababayan ko na mabuti kang babae.
12Totoong malapít mo akong kamag-anak na may tungkuling tubusin ka, pero mayroon ka pang mas malapít na kamag-anak kaysa sa akin.
13Dumito ka muna ngayong gabi. Bukas nang umaga, kung gagampanan niya ang tungkulin niya saʼyo, mabuti; kung hindi, isinusumpa ko sa buháy na Panginoon na gagampanan ko ang tungkulin ko saʼyo. Sige, dito ka muna matulog hanggang umaga.”