6Piliin mo ang taong walang kapintasan, tapat sa kanyang asawa, mananampalataya ang kanyang mga anak at hindi sila napaparatangang nanggugulo o matigas ang ulo.
7Sapagkat ang isang tagapangasiwa ng iglesya ng Diyos ay kailangang walang kapintasan; hindi siya mayabang, hindi madaling magalit, hindi lasenggo, hindi basagulero, at hindi gahaman sa pera.
8Sa halip, bukás dapat ang kanyang tahanan sa kapwa, maibigin sa kabutihan, mahinahon, matuwid, banal at marunong magpigil sa sarili.
9Dapat ay pinanghahawakan niyang mabuti ang mapagkakatiwalaang mensahe na itinuro sa kanya, upang maituro din niya sa iba ang tamang katuruan at maituwid ang mga sumasalungat dito.
10Sapagkat marami ang kumokontra sa aral na ito, lalo na ang grupong ipinipilit ang pagtutuli. Walang kabuluhan ang kanilang mga sinasabi at mga mandaraya sila.