Tito 2

habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

Titus 2:13 (UKJV) Looking for that blessed hope, and the glorious appearing of the great God and our Saviour Jesus Christ;

11Sapagkat nahayag na ang kagandahang loob ng Diyos na nagbibigay ng kaligtasan sa lahat ng tao.

12Ito ang nagtuturo sa atin na talikuran ang kasamaan at makamundong pagnanasa. Ito rin ang nagtuturo sa atin kung paano mamuhay sa mundong ito nang may pagpipigil sa sarili, matuwid at maka-Diyos,

13habang hinihintay natin ang napakagandang pag-asa, na walang iba kundi ang maluwalhating pagbabalik ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Hesu-Kristo.

14Ibinigay niya ang kanyang sarili para sa atin upang tubusin tayo sa lahat ng kasamaan, at linisin tayo upang maging bayang pag-aari niya na masigasig sa paggawa ng mabuti.

15Ituro mo sa kanila ang mga bagay na ito. Gamitin mo ang iyong awtoridad sa paghikayat at pagsaway. At huwag mong hayaang hamakin ka ninuman.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.